Huwebes, Hulyo 12, 2012

HAGDAN SA TAGUMPAY

       
                   Araw ng sabado. Nakaupo ang batang si luis sa tabing dagat.Pinanood niya ang maraming bapor sa look ng Maynila
                  Balang araw, makakabili rin ako ng mga bapor tulad ng  mga bapor na iyon, nasabi ni luis na parang nangangarap.Ngunit may pag-aalinlangan siya.Paano siya makabibili  ng bapor ? Eh isa lang siyang batang ulila sa ama't ina. Kapwa kasi namatay ito sa sakit. Nasa pangangalaga nga lang siya ng kanyang tiya.
                  Pero hindi nawalan ng pag-asa ang batang si luis na makamit niya ang pangarap niya sa buhay. Nag-aaral siya sa umaga at sa gabi naman ay nagtratrabaho 
                  Sa murang edad ay nagsimula na siyang magbanat ng buto. Kahit anung trabaho ay papasukan niya.Natanggap siya bilang isang janitres sa isang pribadimg kompanya. Naging kargador din siya ng mga bagahe ng mga  pasahero ng barko. Madalas, pagkatapos ng kanyang trabaho ay uupo siya sa tabing dagat at panonoorin ang mga bapor. Gusto niyang siya ay makaahon sa kahirapan. Pangarap niayang makabili siya ng mga sasakyang pandagat tulad ng mag bapor na kanyang nakkikita.
                 At hindi nagtagal nakapagtapos rin siya sa pag-aaral dahil sa kanyang paasisikap.
                 Naging masipag at matiyaga si luis sa paggawa at paghahanapbuhay. Siya'y nagtipid sa pag-gastos ng perang kanyang kinikita. Ibig niyang makaipon upang matupad niya ang pangarap niya mula pa sa pagkabata ang makabili ng sasakyang pandagat.
               
               Ilang taon ang lumipas . Nakaipon na si luis ng pera. Ang una niyang nabili ay isang bangka. Ito'y ginamit niya sa pagdadala ng inumin sa mga taga-lungsod. Nagrasyon din siya sa maynila ng sakati o mga damong pagkain sa hayop at sari-saring paninda mula sa probinsiya.
           Hindi nagtagal nakabili rin siya ng malaking  bangka na naging sasakyan ng mga tao mula sa lalawigan patungo sa maynila. Pagkaraan ng mga taon hindi lamang mag bangkang maliliit ang nabili kundi iyong malalaking bapor o barkong pampasahero.
          Simula pa pagkabata ay pangarap na  niya ito , ito yung barkong lagi niyang nakikita sa tabing dagat na madalas niyang pinapanood pagkatapos ng  kanyang trabaho.
          Madali ang lumakad na pababa mula sa itaas . Mas mahirap ang lumakad mula sa ibaba patungo sa itaas. Kailangan ang kasipagan at pagsisikap upang mapanhik ang hagdan sa tagumpay katulad ni luis na isang batang nangangarap na gustong magkaroon ng sariling barko.